Ang Manila Electric Company, o mas kilala rin bilang Meralco, ay ang pinakamalaking tagapamahagi ng kuryente sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, 22 lungsod at 89 na bayan ang hawak ng kompanya sa pagtugon ng pangangailangan sa kuryente kasama ang buong Kalakhang Maynila at mga kalapit nitong lalawigan.
Ang pangalang "Meralco" ay hango sa pangalang "Manila Electric Railroad and Light Company" na siyang dating pangalan ng kompanya.