Abraham Lincoln | |
---|---|
![]() Larawan ni Abraham Lincoln na kinunan ni Alexander Gardner noong 8 Nobyembre 1863 | |
Ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika | |
Nasa puwesto Marso 4, 1861 – Abril 15, 1865 | |
Pangalwang Pangulo | Hannibal Hamlin (1861 - 1865); Andrew Johnson (Marso - Abril 1865) |
Nakaraang sinundan | James Buchanan |
Sinundan ni | Andrew Johnson |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | Pebrero 12, 1809 Hardin County, Kentucky (kasalukuyang nasa LaRue County Kentucky) |
Namatay | Abril 15, 1865 Washington, D.C. |
Kabansaan | Amerikano |
Partidong pampolitika | Republikano |
Asawa | Mary Todd Lincoln |
Pirma |
Si Abraham Lincoln[1] (12 Pebrero 1809 - 15 Abril 1865) ay ang ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos sa Amerika, na nanungkulan mula taóng 1861 hanggang 1865. Siya ang pangulo na nagwakas sa pag-aalipin sa mga itim sa kanyang bansa, na kagawiang pinahihintulutan noon sa ilang mga kapamahalaan (o estado) sa katimugang bahagi ng kanyang bansa, at ito ang naging kalutasan sa digmaan ng mga mamamayang Amerikano (hilaga laban sa timog). Noong 1865, pagkaraan ng digmaan na ito, siya ay pinaslang ni John Wilkes Booth sa kaparaanang pamamaril habang siya ay nanonood ng dula sa isang gusaling panooran.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)