Brazil

Pederatibong Republika ng Brasil
República Federativa do Brasil (Portuges)
Salawikain: Ordem e Progresso
"Kaayusan at Progreso"
Awitin: Hino Nacional Brasileiro
"Brasileryong Pambansang Awit"
Location of Brasil
KabiseraBrasília
15°47′S 47°52′W / 15.783°S 47.867°W / -15.783; -47.867
Pinakamalaking lungsodSão Paulo
23°33′S 46°38′W / 23.550°S 46.633°W / -23.550; -46.633
Wikang opisyale
at pambansa
Portuges
KatawaganBrasilyero
PamahalaanFederal presidential republic
• President
Lula da Silva
Geraldo Alckmin
Arthur Lira
Rodrigo Pacheco
Luís Roberto Barroso
LehislaturaNational Congress
• Mataas na Kapulungan
Federal Senate
• Mababang Kapulungan
Chamber of Deputies
Independence 
• Declared
7 September 1822
29 August 1825
• Republic
15 November 1889
5 October 1988
Lawak
• Total
8,515,767 km2 (3,287,956 mi kuw) (5th)
• Katubigan (%)
0.65
Populasyon
• Senso ng 2022
Neutral increase 203,062,512[1]
• Densidad
25/km2 (64.7/mi kuw) (193rd)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $4.101 trillion[2] (8th)
• Bawat kapita
Increase $20,078[2] (87th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $2.126 trillion[2] (9th)
• Bawat kapita
Increase $10,412[2] (79th)
Gini (2020)48.9[3]
mataas
TKP (2022)Decrease 0.754[4]
mataas · 87th
SalapiReal (R$) (BRL)
Sona ng orasUTC−2 to −5 (BRT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (CE)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+55
Internet TLD.br

Ang Brasil, opisyal na Pederatibong Republika ng Brasil, ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Dito makikita ang malaking kagubatan ng amazon. Ang Amazon rainforest, na sumasakop sa karamihan ng hilagang-kanluran ng Brazil at umaabot sa Colombia, Peru at iba pang mga bansa sa South America, ay ang pinakamalaking tropikal na rainforest sa mundo, na sikat sa biodiversity nito. Ang kabisera nito ay Brasilia habang ang pinakamataong lungsod nito ay São Paulo.

  • Isa sa mga pangunahing suplayer ng kalakal ng bansa ay ang Paraguay. Ang Interaksyon at kalakal ng bansang Brazil ay mainam lalo na sa karatig bansa nito tulad ng Venezuela. Mga sasakyang-panghimpapawid, mga kagamitang de-kuryente, ethanol, mga tela at mga tsinelas at sapatos ang ilan sa mga tampok na produktong pang-eksport ng bansa.

Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

  1. Araujo, Gabriel (28 Hunyo 2023). Grattan, Steven; Rumney, Emma (mga pat.). "Brazil census shows population growth at its slowest since 1872". Reuters. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Hunyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Brazil)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Nakuha noong 10 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "GINI index (World Bank estimate) – Brazil". World Bank. Nakuha noong 12 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne