Republika ng Kroasya Republika Hrvatska
| |
---|---|
Awiting Pambansa: Lijepa naša domovino Our beautiful homeland | |
Kabisera | Zagreb |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Wikang Kroatyano1 |
Katawagan | Croat, Kroatyano |
Pamahalaan | Parliamentary republic |
• Pangulo | Zoran Milanović |
Andrej Plenković | |
Gordan Jandroković | |
Itinatag | |
7852 | |
879 | |
• Kingdom | 925 |
• Union with Hungary | 1102 |
• Joined Habsburg Empire | 1 Enero 1527 |
• Independence from Austria–Hungary | 29 Oktubre 1918 |
• Joined Yugoslavia3 | 29 Nobyembre 1943 |
• Decision on independence | 25 Hunyo 1991 |
• Declaration of independence | Ocktubre 8, 1991 |
Lawak | |
• Kabuuan | 56,594 km2 (21,851 mi kuw) (126th) |
• Katubigan (%) | 1.09 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2017 | 4,154,200[1] (129th) |
• Senso ng 2011 | 4,284,889[2] |
• Densidad | 75.8/km2 (196.3/mi kuw) (126th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2018 |
• Kabuuan | $106.548 billion[3] |
• Bawat kapita | $31.776$[3] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2018 |
• Kabuuan | $61.056 billion[3] |
• Bawat kapita | $14,788[3] |
Gini (2018) | 29.7 mababa |
TKP (2015) | 0.827[4] napakataas · ika-45 |
Salapi | Kuna (HRK) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | 385 |
Kodigo sa ISO 3166 | HR |
Internet TLD | .hr |
|
Ang Kroasya (pagbigkas: kro•wey•s'ya; Kroata: Hrvatska), opisyal na tinutukoy na Republika ng Kroasya (Kroata: Republika Hrvatska), ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Zagreb ang kabiserang lungsod nito, na bumubuo rin sa isa sa mga pangunahing subdibisyon ng bansa, kabilang ang 20 pang county. May lawak na 56,594 km2 ang Kroasya na may samot saring klima ngunit ang karaniwan ay klimang kontinental at Mediterranean. May higit sa isang libo ang mga pulo ng Kroasya sa baybáyin nito sa Dagat Adriatic. Umaabot sa 4.28 milyon ang populasyon ng bansa, na ang karamihan ay mga Croat, na ang karamihan naman ay mananampalataya ng Simbahang Katolika.
Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Kroasya noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Kroasya bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Kroasya ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Kroasya sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Kroasya si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Kroasya. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Kroasya sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Kroasya sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Kroasya, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Kroasya sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.
{{cite web}}
: Check date values in: |accessdate=
(tulong)
{{cite web}}
: Check date values in: |accessdate=
(tulong)
{{cite web}}
: Check date values in: |accessdate=
(tulong)
{{cite web}}
: Check date values in: |accessdate=
(tulong)