Datu

Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas

Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga barangay noong kapanahunan ng bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at ang nagsisilbing pinakahari. Kapag higit na mas malakas ang isang datu, sila ay tinatawag na raha. Kabilang ang datu sa pangkat panlipunan ng mga maharlika.

Isa rin itong titulo na pinapahiwatig ang mga namumuno (sinasalarawan sa iba't ibang talang pangkasaysayan bilang puno, prinsepeng soberanya, at monarko) sa iba't ibang mga katutubo sa buong kapuluang Pilipinas.[1] Ginagamit pa rin ang titulo sa ngayon, bagaman hindi ganoong kadalas tulad noon. Kaugnay ang titulong ito sa ratu sa ilang mga mga wikang Austronesyo.

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang note1); $2

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne