Israel

Estado ng Israel
מְדִינַת יִשְׂרָאֵל(sa Hebreo)دَوْلَة إِسْرَائِيل (sa Arabe)
Medīnat Yisrā'elDawlat Isrāʼīl
A white flag with horizontal blue bands close to the top and bottom, and a blue star of David in the middle.
Watawat
Menorah surrounded by an olive branch on each side, and the writing in Hebrew below it.
Emblem (Ang Menorah)
Awiting Pambansa: Hatikvah (Ang Pag-asa); הַתִּקְוָה)
Mapa ng Gitnang Silangan at Israel (pula)
KabiseraHerusalem[a]
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalHebreo, Arabiko[1]
Pangkat-etniko
(2012)
75.4% Hudyo
20.6% Arabo
4% iba pa[2]
KatawaganIsraeli
PamahalaanUnitaryong estado
Isaac Herzog (יצחק הרצוג)
Benjamin Netanyahu (בנימין נתניהו)
Mickey Levy (מיקי לוי)
Esther Hayut (אֶסְתֵּר חַיּוּת)
LehislaturaKnesset
Independence 
14 Mayo 1948
Lawak
• Kabuuan
2077022072 km2 (0.36333 mi kuw)[1] (153rd)
• Katubigan (%)
2
Populasyon
• Pagtataya sa 2012
8,134,100[2][2][3] (97th)
• Senso ng 2008
7,412,200[2][4]
• Densidad
347/km2 (898.7/mi kuw) (34th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2011[5]
• Kabuuan
$236.994 bilyon (50th)
• Bawat kapita
$31,467 (26th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2011[5]
• Kabuuan
$243.654 bilyon (41st)
• Bawat kapita
$32,351 (27th)
Gini (2008)39.2[1]
katamtaman · 66th
TKP (2011)0.888
napakataas · 17th
SalapiBagong shekel [3] (‎) (ILS)
Sona ng orasUTC+2 (IST)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (IDT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (AD)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono972
Kodigo sa ISO 3166IL
Internet TLD.il
  1. ^ Excluding / Including the Golan Heights and East Jerusalem; see below.
  2. ^ Includes all permanent residents in Israel, the Golan Heights and East Jerusalem. Also includes Israeli citizens living in the West Bank. Excludes non-Israeli population in the West Bank and the Gaza Strip.
  3. ^ * Israeli new shekel is the official currency of the State of Israel since 1 Enero 1986,
    * Old Israeli shekel was the official currency of the State of Israel between 24 Pebrero 1980 and 31 Disyembre 1985,
    * Israeli lira was the official currency of the State of Israel between Agosto 1948 and 23 Pebrero 1980,
    * Palestine pound was the official currency of the British Mandate from 1927 to 14 Mayo 1948 and of the State of Israel between 15 Mayo 1948 and Agosto 1948,
    * before 1927 the official currency of this area was the Ottoman lira until 1923, and in between 1923 and 1927 the Ottoman lira circulated alongside the Egyptian pound.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Israel (paglilinaw).

Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.[6] Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

  1. 1.0 1.1 "Israel". The World Factbook. Central Intelligence Agency. 8 Pebrero 2012. ISSN 1553‐8133. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Disyembre 2018. Nakuha noong 17 Pebrero 2012. {{cite web}}: Check |issn= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Latest Population Statistics for Israel". Jewish Virtual Library. 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-06-12. Nakuha noong 17 Setyembre 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Population, by Population Group". Monthly Bulletin of Statistics. Israel Central Bureau of Statistics. 2012. Nakuha noong 17 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Population Census 2008" (PDF). Israel Central Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 14 Nobiyembre 2012. Nakuha noong 17 Pebrero 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. 5.0 5.1 "Report for Selected Countries and Subjects". World Economic Outlook. International Monetary Fund. 9 Oktubre 2012. Nakuha noong 18 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Human development indices" (PDF). United Nations Development Programme. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2010-11-21. Nakuha noong 2012-11-23. {{cite web}}: Cite has empty unknown parameter: |4= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne