Ang Monrovia /mənˈroʊviə/[1][2] ay ang kabiserang lungsod ng bansa sa Kanlurang Aprika na Liberia. Matatagpuan sa Atlantikong Baybayin ng Tangos ng Mesurado, mayroong populasyon ang Monrovia ng 1,010,970 ayon sa sensus ng 2008. Sa kabuuang 29% ng kabuuang populasyon ng Liberia, ang Monrovia ay ang pinakamataong lungsod sa bansa.[3]
Itinatag noong Abril 25, 1822, ang Monrovia ay ang ikalawang permanenteng Aprikanong Amerikanong paninirahan sa Aprika pagkatapos ng Freetown, Sierra Leone. Pangunahing hinuhubog ang ekonomiya ng Monrovia sa pamamagitan ng daungan nito at sa ginagampanan nito bilang ang lokasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan ng Liberia.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) /mənˈroʊviə,_mɒnˈroʊviə/
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) /mənˈroʊviə/
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)