Ang panaguri (Ingles: predicate[1]) ay isang bahagi ng pangungusap o pananalita. Ang panaguri ay isa sa dalawang pangunahing bahagi ng pangungusap kasama ang simuno o paksa. Sa wikang Filipino, kapag nasa karaniwang ayos ang pangungusap, nauuna ang panaguri habang nasa huli naman ang panaguri kapag nasa kabalikang ayos.[2]
Nababakas sa tradisyunal na balarila ang pagkaunawa ng panaguri noong pang panahon ni Aristotle sa pagbalangkas niya ng lohika.[3] Nakikita ang panaguri bilang katangian na mayroon ang isang paksa o paglalarawan ito. Samakatuwid, isang pagpapahayag ang panaguri na maaring totoo ang isang bagay.[4]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 981.