Piso ng Pilipinas

Para sa ibang gamit, tingnan ang PHP (paglilinaw).
Piso ng Pilipinas
Salaping papel at barya na piso ng Pilipinas
Salaping papel na piso ng Pilipinas
na kasalukuyang ginagamit
Salaping barya na piso ng Pilipinas
na kasalukuyang ginagamit
Kodigo sa ISO 4217PH
Bangko sentralBangko Sentral ng Pilipinas
 Websitewww.bsp.gov.ph
User(s)Pilipinas Pilipinas
Pagtaas6.0%[1]
 PinagmulanBangko Sentral ng Pilipinas, Oktubre 2018[2]
Subunit
 1/100Sentimo o centavo
Sagisag
Perang barya
 Pagkalahatang ginagamit₱1, ₱5, ₱10, ₱20
 Bihirang ginagamit, , 10¢, 25¢
Perang papel
 Pagkalahatang ginagamit₱20, ₱50, ₱100, ₱500, ₱1000
 Bihirang ginagamit₱200
Limbagan ng perang baryaThe Security Plant Complex
 Websitebsp.gov.ph
Gawaan ng perang baryaThe Security Plant Complex
 Websitebsp.gov.ph

Ang Piso ng Pilipinas (Ingles na Pilipinong pagbigkas: /ˈpɛs/, /ˈpis/; Filipino: [ˈpiso] o [pɪˈso]; simbolo ng salapi: ₱; kodigo: PHP), ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na ang piso ay nangangahulugang "timbang". Nahahati ang bawat piso sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO_4217. Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging Kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mehiko, Kolombiya at Arhentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso (halos USD 11.5 bilyon).

Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kaya “peso” ang ginamit noon. Ngayong Filipino na ang gamit sa mga salaping papel at barya, naging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.

Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala (Ingles: word processor) sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay.[3] Ang simbolong ito ay natatangi sa Pilipinas dahil ang mga bansang gumagamit ng piso tulad ng Mehiko at ang mga iba pang dating sakop ng Espanya sa Amerikang Latino ay gumagamit ng “$”.

Ang mga salaping papel at barya ng Pilipinas ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod Quezon.[4]

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-11-06. Nakuha noong 2016-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-11-06. Nakuha noong 2016-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://techmagus.ninja/how-to-type-the-peso-sign/[patay na link]
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-08-06. Nakuha noong 2016-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne