Saudi Arabia

Kaharian ng Saudi Arabia
المملكة العربية السعودية
al-Mamlaka al-ʻArabiyya as-Suʻūdiyya
Watawat ng Saudi Arabia
Watawat
Eskudo ng Saudi Arabia
Eskudo
Salawikain: "لا إله إلا الله محمد رسول الله"
"Walang ibang diyos kung hindi si Allah, at si Muhammad ang sugo ni Allah" (ang Shahada)[1]
Awiting Pambansa: "Aash Al Maleek"
"Mabuhay Ang Hari"
Location of Saudi Arabia
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Riyadh
Wikang opisyalArabic
KatawaganSaudi, Saudi Arabian
PamahalaanUnitary Islamic absolute monarchy
• Hari
Salman ng Saudi Arabia
• Punong Ministro
Salman ng Saudi Arabia
LehislaturaCouncil of Ministers[2]
(appointed by the king)
Establishment
• First Saudi State established
1744
• Second Saudi State established
1824
• Third Saudi State declared
8 Enero 1926
• Kinilala
20 Mayo 1927
• Napagkaisang Kaharian
23 Setyembre 1932
Lawak
• Kabuuan
2,149,690 km2 (830,000 mi kuw) (14th)
• Katubigan (%)
negligible
Populasyon
• Pagtataya sa 2009
28,686,633[3] (41st)
• Densidad
12/km2 (31.1/mi kuw) (205th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$592.886 billion[4] (22nd)
• Bawat kapita
$23,814[4] (38th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$469.426 billion[4] (23rd)
• Bawat kapita
$18,855[4] (41st)
TKP (2007)0.843[5]
napakataas · 59th
SalapiSaudi Riyal (SR) (SAR)
Sona ng orasUTC+3 (AST)
• Tag-init (DST)
UTC+3 ((not observed))
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono966
Kodigo sa ISO 3166SA
Internet TLD.sa
  1. Population estimate includes 5,576,076 non-nationals.

Ang Kaharian ng Saudi Arabia (Arabe: المملكة العربية السعوديةal-Mamlakah al-‘Arabīyah as-Su‘ūdīyah tungkol sa tunog na ito Bigkas Arabe ) o Saudi at sa Arabe bilang as-Su‘ūdīyah (Arabe: السعودية‎), ay ang pinakamalaking estado sa Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Mundong Arabe. Naghahanggan ito sa Jordan, at sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa Kuwait, Qatar, at sa United Arab Emirates sa silangan. Sa Oman naman sa timog silangan, at sa Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito ang Dagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20 dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ay Golpo ng Persiya, ang Golpo ng Arabya ang opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.[6]

Naitatag ni Abdul-Aziz bin Saud (na kilala noong panahon niya bilang Ibn Saud) ang Kaharian ng Saudi Arabia noong 1932. Ngunit nagsimula ang pagbuo nito noong 1902 nang makuha niya ang Riyadh na siyang katutubong lupain ng kanyang pamilya - ang Bahay ng Saud na tinatawag na Al Saud sa wikang Arabe. Ang pamahalaang Saudi Arabia, na sa simula pa lamang ay isang ganap na monarkiya, ay tinutukoy na Islamiko ang kanilang sistema ng pamahalaan. Subali't ito ay pinagtatalunan sapagkat ito ay labis na nakabatay sa Salapismo na isang maliit na sangay ng paniniwalang Islam. Kadalasang tinatawag na "Ang Lupain ng Dalawang Banal na Moske" ang kaharian dahil dito matatagpuan ang dalawang pinakabanal na lugar sa Islam, ang Masjid al-Haram (sa Mecca), at Al-Masjid al-Nabawi (sa Medina.

Pinakamalaki sa daigdig ang reserbang langis ng Saudi Arabia. Halos 90% ng kalakal na iniluluwas ay mula sa langis, at 75% ng kita ng pamahalaang Saudi ay mula rin dito. Ito ang naging kagamitan ng bansa upang ito ay maging isang Estadong Panlipunan.[7] Subali't ang mga pangkat ng mga Karapatang Pantao gaya ng Amnesty International at Human Rights Watch ay paulit-ulit na nagpapahayag ng pag-aalala sa estado ng karapatang pantao sa Saudi Arabia.

  1. About Saufdi Arabia: Facts and figures Naka-arkibo 2019-01-06 sa Wayback Machine., The Royal Embassy of Saudi Arabia, Washington D.C.
  2. Politics of Saudi Arabia - Wikipedia, the free encyclopedia
  3. "CIA - The World Factbook - Saudi Arabia". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-01-06. Nakuha noong 2010-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Saudi Arabia". International Monetary Fund. Nakuha noong 2009-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Human Development Report 2009: Saudi Arabia". The United Nations. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-10-11. Nakuha noong 2009-10-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Saudi Arabia". CIA World Factbook. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Enero 2019. Nakuha noong 16 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Kingdom Of Saudi Arabia – A Welfare State". Royal Embassy of Saudi Arabia, London. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Agosto 2011. Nakuha noong 1 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne