Vietnam

Sosyalistang Republika ng Vietnam
Cộng hòa Xã hội chủ nghĩa Việt Nam (Biyetnames)
Salawikain: Độc lập – Tự do – Hạnh phúc
"Kasarinlan – Kalayaan – Kaligayahan"
Awitin: Tiến Quân Ca
"Martsa ng Hukbo"
KabiseraHanoi
21°2′N 105°51′E / 21.033°N 105.850°E / 21.033; 105.850
Pinakamalaking lungsodLungsod Ho Chi Minh
10°48′N 106°39′E / 10.800°N 106.650°E / 10.800; 106.650
Wikang opisyal
at pambansa
Biyetnames
KatawaganBiyetnames
PamahalaanUnitaryong sosyalistang republika
Nguyễn Phú Trọng
• Pangulo
Võ Văn Thưởng
Phạm Minh Chính
LehislaturaPambansang Asembleya
Kasarinlan 
2 Setyembre 1945
• Partisyon
21 Hulyo 1954
• Reunipikasyon
2 Hulyo 1976
Lawak
• Kabuuan
331,699 km2 (128,070 mi kuw) (ika-66)
• Katubigan (%)
6.38
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
103,808,319 (ika-16)
• Senso ng 2019
96,208,984
• Densidad
295.0/km2 (764.0/mi kuw) (ika-29)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
Increase $1.278 trilyon (25th)
• Bawat kapita
Increase $12,881 (ika-111)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
Increase $408.947 bilyon (39th)
• Bawat kapita
Increase $4,122 (ika-139)
Gini (2018)35.7[1]
katamtaman
TKP (2019)Increase 0.704
mataas · ika-117
SalapiĐồng (₫) (VND)
Sona ng orasUTC+07:00 (VST)
Kodigong pantelepono+84
Kodigo sa ISO 3166VN
Internet TLD.vn

Ang Vietnam (Biyetnames: Việt Nam), opisyal na Sosyalistang Republika ng Vietnam, ay bansang matatagpuan sa Tangway ng Indotsina sa Timog-Silangang Asya. Pinapaligiran ito ng Tsina sa hilaga, Laos sa hilagang kanluran, Kambodya sa timog kanluran, at Dagat Timog Tsina sa silangan. Sumasaklaw ito ng lawak na 331,700 km2 at may populasyon na tinatayang 100 milyon. Ang kabisera nito ay Hanoi habang ang pinakamalaking lungsod nito ay Lungsod Ho Chi Minh.

Sa pagtatapos ng okupasyong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inilunsad ng makabansang koalisyon na Viet Minh ang Himagsikang Agosto sa pangunguna ni Ho Chi Minh, na nagdeklara ng kasarinlan noong 1945.

Ang mga mamamayan ng Biyetnam ay nagkamit muli ng kalayaan at tumiwalag sa Tsina noong AD 938 pagkatapos ng pagkapanalo nila sa Labanan sa Bạch Đằng River. Sunod-sunod na dinatiya ang umusbong kasabay ng pagpapalawak nito sa pampolitika at heograpiyang aspeto hanggang nasakop ito ng mga Pranses noong ika-19 daantaon. May mga pag-aaklas laban sa mga Pranses na nagbunga ng pagpapaalis o pagpapalayas sa mga ito(Pranses) sa bansa. Bunga nito ay ang pagkahati ng bansa sa dalawa. Ang labanan na ito ay nagtagal hanggang Digmaang Biyetnam. Nagtapos ito sa pagkapanalo ng Hilagang Biyetnam noong 1975. Nakabukod mula sa ibang bansa ang Biyetnam habang ito bumabangon mula sa matinding pagkasira o pagkasawak dahil giyera. Ang ekonomiya at politika ng Biyetnam ay isinaayos upang makiisa muli sa mundo. Noong taong 2000, ang Vietnam ay nagtatag ng diplomatikong relasyon sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. Ang paglago ng ekonomiya ng Biyetnam ay isa sa pinakamataas sa buong dekada. Itong pagkilos na ito ay nagbunga ng pagsali ng Biyetnam sa Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal noong 2007.

  1. World Bank 2018c.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne