Corazon C. Aquino | |
---|---|
![]() | |
Ika-11 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika | |
Nasa puwesto 25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992 | |
Punong Ministro | Salvador H. Laurel[1] |
Pangalwang Pangulo | Salvador H. Laurel |
Nakaraang sinundan | Ferdinand E. Marcos |
Sinundan ni | Fidel V. Ramos |
Personal na detalye | |
Isinilang | 25 Enero 1933 Paniqui, Tarlac, Pilipinas |
Yumao | 1 Agosto 2009 Makati | (edad 76)
Partidong pampolitika | United Nationalists Democratic Organizations (UNIDO)/Lakas ng Bayan (LABAN)/Liberal |
Asawa | Benigno Aquino, Jr.† |
Trabaho | Inang Bahay, Politiko |
Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong 5 Agosto.