Java (wikang pamprograma)

Ang Java ay isang mataas-na-antas, pangkalahatang-gamit, ligtas para sa memorya (o memory-safe), wikang pamprograma na nakatuon sa mga bagay (o object-oriented). Nilayon nito na hayaan ang mga tagapagprograma o programmer na magsulat ng isang beses, at tumakbo kahit saan (write once, run anywhere o WORA),[1] ibig sabihin na ang pinagsama-samang kodigo o code ng Java ay maaaring tumakbo sa lahat ng mga platform (o plataporma) na sumusuporta sa Java nang hindi na kailangang muling mag-compile o magsama.[2] Ang mga aplikasyon ng Java ay karaniwang pinagsama-sama sa bytecode na maaaring tumakbo sa anumang Java virtual machine (JVM) anuman ang pinagbabatayan na arkitektura ng kompyuter. Ang syntax ng Java ay katulad ng C at C++, subalit may mas kaunting mga pasilidad sa mababang antas kaysa sa alinman sa mga ito. Ang Java runtime ay nagbibigay ng mga dinamiko na kakayahan (tulad ng repleksyon at runtime code modification o pagbabago ng kodigo sa pagtakbo nito) na karaniwang hindi makikita sa tradisyonal na pinagsama-samang mga wika.

Nakamit ng Java ang katanyagan sa ilang sandali pagkatapos ng paglabas nito, at naging isang sikat na wikang pamprograma o programming language mula noon.[3] Ang Java ang pangatlo sa pinakasikat na wikang pamprograma magmula noong 2022 ayon sa GitHub.[4] Bagama't malawak pa rin ang pagiging sikat, nagkaroon ng unti-unting pagbaba sa paggamit ng Java nitong mga nakaraang taon kasama ang iba pang mga wika na gumagamit ng JVM na nagiging popular.[5]

Ang Java ay dinisenyo ni James Gosling sa Sun Microsystems. Nilabas ito noong Mayo 1995 bilang isang pangunahing bahagi ng plataporma ng Java ng Sun. Ang orihinal at reperensyang pagpapatupad ng Java compiler, virtual machine, at class library ay inilabas ng Sun sa ilalim ng mga lisensyang pagmamay-ari. Noong Mayo 2007, bilang pagsunod sa mga pagtutukoy ng Proseso ng Komunidad ng Java, muling binigyan ng lisensya ng Sun ang karamihan sa mga teknolohiyang Java nito sa ilalim ng lisensyang GPL-2.0 lamang. Ang Oracle, na bumili ng Sun noong 2010, ay nag-aalok ng sarili nitong HotSpot Java Virtual Machine. Gayunpaman, ang opisyal na reperensyang pagpapatupad ay ang OpenJDK JVM, na isang sopwer na bukas na nilalaman na ginagamit ng karamihan sa mga developer o tagagawa at ang default o pangunahin na JVM para sa halos lahat ng mga distribusyon ng Linux.

  1. "Write once, run anywhere?" (sa wikang Ingles). Computer Weekly. Mayo 2, 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2021. Nakuha noong 2009-07-27.
  2. "1.2 Design Goals of the Java Programming Language". en. Oracle. Enero 1, 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 23, 2013. Nakuha noong 2013-01-14.
  3. Melanson, Mike (August 9, 2022). "Don't call it a comeback: Why Java is still champ". GitHub (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2023. Nakuha noong Oktubre 15, 2023.
  4. "The top programming languages". The State of the Octoverse (sa wikang Ingles). GitHub. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2023. Nakuha noong 15 Oktubre 2023.
  5. McMillan, Robert (Agosto 1, 2013). "Is Java Losing Its Mojo?". Wired. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 15, 2017. Nakuha noong Oktubre 15, 2023.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne